A fairy tale

E-mail
Print
PDF

Kay sarap paglaruan sa aking balintataw ang kwento ng aming pagkikilala, pagkakaibigan, pagmamahalan at paghihiwalay ni Spanky.

Nakilala ko si Spanky isa ring Pilipino sa pamamagitan ng isa sa aming mga student-trainee sa Hospital - Riyadh, KSA, si Abdullah. Sa tuwing may gustong malaman si Abdullah sa wikang English o Filipino ipinapakausap niya sa akin sa cellphone ang kababayan kong ito sapagkat maalam na siya ng wikang Arabic. Sabi pa ng batang mag-aaral kami daw ni Spanky ang private tutor nya sa language at speaking.  Simula noon tuwing duty si Abdullah or kapag nasa kapihan siya kung saan nagtratrabaho si Spanky bilang barista tatawag sila at makikipagkwentuhan sa akin. Ngunit kabilinbilinan ko sa batang mag-aaral na huwag na huwag ibibigay ang numero ng aking telepono o cellphone sa kahit na sino kahit na kay Spanky pa. Subalit isang araw ng Huwebes tumunog ang aking telepono sa departamento at isang tawag na hindi ko inaasahan ang magiging simula pala ng isang malaengkantadang kwento ng pag-ibig na maghahatid sa akin sa samu’t saring damdaming ngayon ko lang narasan, nararanasan at mararanasan. 

Kringgggg…

“Hello, x-ray good morning!”

“Hello! Good morning, can I speak to Ms. Max please?”

“Yes, this is Max speaking. May I know who’s this?”

“Spanky.”

“Who?”

‘Spanky friend ni Abdullah.”

“Who?”

Hindi ko agad maalala ang pangalan niya hindi ko kasi inaasahan ang tawag na yun dahil wala naman akong binibigyan ng numero ng telepono ng aming ospital.

“How do you know my number? Sinabi ni Abdullah?” supladita kong tanong.

“Nope, namemorize ko lang.” Very humorous nyang sagot.

“Ha! Paano yun?”

“Tuwing tatawag sa iyo si Abdullah tinitingnan ko ung number na dinadayal nya kinakabisado ko kaya eto natyempuhan kita.” Mabiro niyang paliwanag.

“Owsss…Panu kaya yun?” hindi pa rin ako naniniwala sa paliwanag niya.

“Totoo nga kinabisado ko lang.” Seryoso nyang tugon.

Okey. Sinabi mo.” Pag-sang-ayon ko na lamang bagaman may pag-aagam-agam.

“Pwedeng friends na tayo?” Tanong nya.

“Walang problema, yun lang pala.”

Hindi ako naniniwala pero maayos naman akong nakipag-usap sa kanya sa telepono.  Ilang araw matapos ang insidenteng ‘yun nagkita kami sa duty ni Abdullah, kinompronta ko siya at pilit pinapaamin kung totoong hindi nya ibinigay kay Spanky ang numero ng telepono sa ospital at talagang nagalit ako sa aming mag-aaral. Hindi raw talaga pag amin niya at tinawagan pa niya sa cellphone si Spanky upang linawin ang aking pag-aakusa. Nag-usap silang dalawa at nagkaintindihan subalit hindi ko na nalaman kung anuman ang kanilang napagkasunduan sa bandang huli na lamang ng aming kasaysayan natuklasan kong may caller ID pala and pwedeng magsave ng calls ang landline nila sa kapihan. Ignorante talaga ako.

Comments (0)Add Comment

Write comment
You must be logged in to post a comment. Please register if you do not have an account yet.

busy

Statistics

Members : 2951
Content : 1941
Web Links : 5
Content View Hits : 2741464
We have 146 guests online